|
Kanina habang inaayos ko yung baul na ratan na pinag-iimbakan ng diyaryo ay may nabasa akong article sa opinion section ng isang broadsheet. Tungkol iyon sa mga journalist na napatay nitong mga nakalipas na taon.
Nakapupukaw lang ng atensiyon.
Hindi naman natin mapasusubalian ang natatanging kagitingan ng mga Pilipino. Mula sa hamon ng pakikibaka na makamit ang kalayaan mula sa mga mapang-aping dayuhan hanggang sa kasalukuyang pakikipaglaban natin sa tinatamasang kahirapan dulot ng krisis sa ekonomiya, mababang uri ng edukasyon, napapabayaang kalusugan at dulot ng mga taong dapat sana'y nangangalaga ng ating mga karapatan. Dagdag pa rito ang pagka-uhaw ng bawat isa sa katotohanan. Katotohanan na sana'y magbibigay-linaw sa mga isyung lubos sanang makatutulong na matamo ang hinahangad na pagbabago. Katotohanan na tunay na magpapalaya sa atin.
Ewan.
Ngunit ang bagay na ito ay tila mahirap maabot dahil madalas ang lumalabas ay ang mga taong dapat sana'y maghahatid sa atin nito ay patuloy na nanganganib mula sa mga taong malaki ang pagkukulang sa bayan at patuloy na ikinukubli ang mga sarili sa tanyag at karangyaang kanilang tinatamasa - na gagawain ang lahat para lamang mapagtakpan ang kanilang mga kabulukan.
Nakagugulat dahil hindi ko gaanong napansin ang mga kaganapang ito sa media. Marami na pala. Tunay ngang nakababahala na ang lumaking bilang ng mga mamamahayag na pinapaslang dahil sa kanilang adhikaing ilabas ang katotohanan. Na ang kanilang hangarin na maipabatid sa sambayanan kung ano ang nararapat ay sadyang hinaharang ng mga maimpluwensiyang taong kanilang walang takot na kinakalaban mailabas lamang ang mga tinatagong kasinungalingan, kabulukan o anupaman sa ating sistema.
Pero mas nakakapangamba ang ginagawang pagbubulag-bulagan ng ating pamahalaan.
Tila wala silang pakialam sa problemang dinaranas ng isang bahagi ng ating populasyon na nakakatulong sa kanila. Sinasabi kasing 85 porsyento mula 2000 hanggang ngayon ng mga kasong ito ay hindi naresolba. Ika nga "justice delayed, justice denied" May nahuhuli mang mga hired killers ngunit hindi naman nahuhuli ang tunay na nag-utos na gawin ang mga pang-aabusong ito. Dulot nito patuloy na bumababa ang tingin ng mga mamumuhunan sa atin, sa kanilang pangamba na sadyang delikado ang kalagayan ng mga taong maaari din silang protektahan.
Bumaba rin ang bilang ng mga taong nais maging katulad nilang mamamahayag na maaring ituring na kabayanihan ang propesyong ito. Sabi nga nila, walang pera delikado pa.
Kailangang kumilos na ang pamahalaan bago pa talagang lumala ang krisis na ito. Dapat ay bumuo ng mga mga batas na tahasang magbibigay proteksiyon sa media dahil ang grupo na ito ay hindi lamang basta naghahatid ng balita sa atin.
Dahil sadyang malaking bahagi sila sa ating lipunan na tumutulong sa paghubog ng kalinangan ng bawat Pilipino, ang ating daan sa pakikipag-ugnayan. Dapat din nating tandaan na tayong mga mamamayan na kanilang pinaglilingkuran ay may malaking responsibilad ding nakaatang, na sila'y tulungan at protektahan mula sa mga taong hangad ay kahuwaran para sa sarili nilang kapakanan.
|
1
Tags
You must be logged in to add tags.
Writer Profile
Payne Max
This user has not written anything in his panorama profile yet.
|
Comments
You must be a TakingITGlobal member to post a comment. Sign up for free or login.
|
|